Hindi inaasahan ni Avery ang naging tanong ni Elliot. Pakiramdam niya ay para bang may naka bara sa lalamunan niya. Hindi naman kasi niya alam na pupuntahan siya ng kambal sa ospital… At higit sa lahat, hindi niya rin naisip na ilalabas ng Elizabeth Hospital ang security footage dahil yun ang pangako ng mga ito sakanya!
Alam niya kung gaano kagaling mag suspetya si Elliot kaya naisip niyang hindi ito matatahimik hanggat hindi nito nalalaman kung sino ang nagdala kay Shea sa ospital. Pero may i