’Vincent?’
Kumunot ang kilay ni Gigi nang marinig niya ang boses ni Vincent. Binuksan niya ang pinto at pagod na nagsalita. “Pahiga na ako, Vincent.”
Akala ni Gigi ay naroon ang lalake para pag-usapan ang tungkol sa pag po-propose, kaya nag-alangan siya.
Hindi natuwa si Vincent sa naging pagiging malayo ni Gigi, pero ngumiti at nagkunwari pa rin siya.
“Haha! Marami-rami kang nainom kanina. Baka hindi maganda ang pakiramdam mo ngayon kaya ginawan kita ng mainit na sabaw. Inumin mo habang mainit pa. Pagtapos ay maayos kang makakapagpahinga.”
Sa huli, inilabas niya ang sabaw na dinala niya.
‘Mainit na sabaw?’
Nagulat si Gigi habang nakatingin siya sa mainit na sabaw na dal ani Vincent, hindi rin maganda ang naging pakiramdam niya sa naging reaksyon niya.
‘Akala ko, nagpunta siya rito para pag-usapan ang tungkol sa pag po-propose. Iyon pala’y dinalhan niya ako ng mainit na sabaw. Sobrang maalalahanin niya. Muntik na akong may masabing masama sa akniya.’
“Salamat, Vincent!”
Malaki