Medyo natawa si Sherman nang marinig niya ang sagot ni Vincent, nagdagdag ito. “Magaling.”
Naglabas siya ng maliit na jade vial at sikretong nagsalita. “Senior Brother, nabanggit mong medyo nakainom si Senior Sister sa banquet kanina. Sabihin mo sa kaniya mamaya na padadalhan mo siya ng mainit na sabaw at ihalo mo ito.
“Mabilis siyang mawawalan ng malay kapag humigop siya. Pagtapos ay maaari mo nang gawin ang ano mang gustuhin mo. Kahit na gumising siya at naging hindi maganda ang pakiramdam, iisipin niyang dahil iyon sa pag-inom kaya hindi ka niya pagsususpetsahan.”
Ibinigay ni Sherman kay Vincent ang jade vial.
‘Ito’y…’
Nag-alangan si Vincent habang hawak niya ang jade vial, kumunot ang kaniyang noo. “Magandang ideya ba iyan?”
Mayroong siyang mabuting konsensya sa kaniyang loob kahit na mayabang at gusto niyang lagi siyang nangingibabaw.
‘Isa pa, inaprubahan na ng Master ang kasalan at sinabing aayusin niya ito sa Pure Yang Division. Kapag nabigo akong ipilit ang sarili ko kay