Sumunod si Oliver sa lahat habang nasa kanyang wheelchair at walang mapaglagyan ang saya niya nang makita na napahiya si Darryl!
"Darryl!"
Lumapit si Oliver kay Darryl at pang asar na bumulong, “Nagpapanggap ka lang no?”
Tumingin lang si Darryl kay Oliver at hindi sumagot.
Samantalang si Oliver naman ay pang asar na tumawa, “Wag kang mag alala! Hindi mo naman kailangang sumagot. Alam ko namang hindi ka kakampi ng Demon Tribe. Nagbibida-bida ka lang talaga, tama? Pero makinig ka sakin. Hanggat buhay ako, hinding hindi mo masasagawa yang plano mo.
“Isa pa kung may plano ka mang makipag kampihan sa Demon Tribe, kalimutan mo na. Nakita mo naman kung anong nangyari sa paa ko diba? Yung g*g*ng Mona na yun ang may kasalanan ng lahat ng ‘to! Sisiguraduhin kong magbabayad sa akin ang White Tiger Tribe at Demon Tribe!”
Pagkatapos magsalita, nagpatuloy si Oliver sa pagwhiwheelchair. Habang si Darryl naman ay tuluyan ng hindi nakasagot. Habang tinitignan niya itong papalayo, magkahalong