Siguro dahil na rin sa pressure na naramdaman niya na nakatingin sakanya ang lahat, dali-daling nagpalusot si Darryl. Ngumiti siya at sinabi, “Honorable Fiend Martyr, sa tingin ko mas maganda na mag ingat tayo. Alam ko na mas makapangyarihan pa rin ang fiend race kumpara sa demon race, pero aminin man natin o hindi, mas marami sila sa atin! Mahigit sampung libo silang lahat kaya kung aatake tayo sa teritoryo nila ng hindi pinagpaplanuhan, sigurado ako na dehado tayo!”
Tumingin si Darryl kay Ol