Sumosobra na ang tatlo.
“Tang*ina!” Nagdilim ang ekspresyon ni Yunus habang nagmumura, “Sa tingin mo kaya mo kaming apihin?”
Pagkatapos, kinuha niya ang espada niya at umatake. Sa isang kisapmata, nagpakita siya sa harapan ni Harold na may hawak ng demon elixir. Kuminang ang espada niya dahil sa Sword Light, at sinaksak niya ito sa vital point ng kalaban.
Mabilis na umatras si Harold.
Kahit na kakaiba ang bilis ni Yunus, hindi niya matamaan si Harold. Itinaas ni Harold ang kamay niya, at matindi