Sa may marshland, maririnig ang galit na sigaw ng halimaw. Umangat sa ere ang dambuhalang katawan ng python, at bumuga ito ng nakakalasong usok mula sa bibig nito. Ito ay isang True Essence Wave na nagtataglay ng napakalakas na lason at namamatay agad ang anumang madaanan nito.
Agad na umatras ang tatlo noong nakita nila ito.
Nagpatuloy ang kanilang laban.
Hindi nangialam si James at sa halip ay pinanood niya ang laban mula sa malayo.
Nahila ng laban ang atensyon ng marami, at nagtipon ang