Extra Chapter 5
Nakalaya na pala si Danielle.
Hindi niya alam pero nabahala siya sa balitang iyon kahit wala naman siyang ginawang masama sa babae. Kung susumahin, ito pa nga ang may atraso sa kanya. Muntik ng mabaunan ng bala ang bungo niya dahil dito. Pagkatapos itong arestuhin ng mga pulis at magbigay siya ng statement niya ay hindi naman na niya nakita pa ang babae o kahit dinalaw man lang sa kulungan.
“Good evening, Mrs. Ivanovich,” nakangiti niyang ba