"Hahaha, hehehe..." Habang nakaupo sa gitna ng mga magulang niya, tumawa si Aino hanggang sa hindi niya na napigilan ang sarili niya at muntik na siyang mahulog sa sahig.
Ang tunog ng mga tawa nila ay walang pakundangang nagpagising kay Nigel, na nagpapahinga sa kadikit na ward ng ospital.
Ang purong puting kisame ay pumasok sa mga mata niya nung oras na minulat niya ang mga ito. Tumingin siya sa paligid niya, at ito ay puno ng parehong puro, at klinikal na puti. Tumingin naman siya sa baba at