“Susan, halika na rin dito!”
“Sydney, pumunta ka na rito!”
“Ken!”
Sumunod naman ang ibang mayayamang magulang, binalaan ang kanilang mga anak na wag na makipaglaro kay Aino kahit kailan. Pero, iba ang naiisip ng mga bata.
“Mommy, hindi naman si Aino ang may dala ng ahas dito eh. Kay Carol ‘yon.” Sabi ni Mia. Tumango rin si Carol. “Ma, sakin ‘yong laruan na ‘yon. Gustong gusto ko ‘tong laruan na ahas! May nakasalubong akong bata kanina at nakipagpalit ako ng laruan para rito. Lahat ng bat