Kailangan nilang maging maingat sa mga kilos nila.
"Alex, nandito lang ako ngayon dahil inimbitahan mo ako. Alam ng Diyos kung pagbibigyan na ako ni Sebastian. Ang ibig kong sabihin, alam mo kung gaano kasama ang lalaking yun. Masaya ako kung magkakabati kami ng lalaking yun, hindi ko lang alam kung ganun din siya!" Ang lalaking nagsalita ay merong peklat sa mukha niya at parang nasa 30s na siya. Sa kabila ng nakakatakot niyang mukha, ang babaeng nakaupo sa tabi niya ay may nakakaakit na ganda.