”Ma’am, sigurado na po ba kayo jan? Karapatan niyo po yun, talaga bang handa niyong isuko nalang yun?” Awang awa ang staff kay Cecilia.
Kahit kailan, hindi naging mukhang pera si Cecilia. Alam niya naman na naawa at gusto lang siyang bigyan ng hustisya ng staff kaya nito pinipilit na kunin niya ang four hundred thousand dollars, pero hindi naman siya tanga na kagaya ng palaging sinasabi ni Neo dahil alam niya na matagal pang proseso yun at masaydo ring maraming kakampi si Neo na pwede pang ma