Kabanata 1682
Nang makita ni Stefan at ng mga kapatid nito na mukhang walang balak ang matandang babae na ibaba ang kutsilyo kaya kumaripas sila ng takbo na halos magkadapa-dapa pa sila sa sobrang takot.

Hindi na hinabol ng matanda ang apat na lalaki, at napaupo nalang siya sa sobrang sama ng loob. Umiyak siya ng malakas at humahagulgol na sinabi, “Ano ba ang kasalanang nagawa ko?”

Naglakad si Hana papunta sa matanda at dahan-dahang kinuha ang kutsilyong hawak nito. “Tita, wag na po kayong umiyak. Ibigay mo na sa akin yang hawak mong kutsilyo.”

Binigay ng matanda kay Hana ang hawak nitong kutsilyo. Pagkatapos, humarap siya kay Zayn, na gulat na gulat pa rin sa mga nangyari, at lumuhod. “Mister Smith, nagmamakaawa po ako sainyo. Alam ko po na mabuti kayong tao. Noong bumisita po yung pamangkin ko, naikwento noiya sa akin na marami na daw kayong natulungan..

“Mister Smith, nagmamakaawa ako sainyo… tulungan niyo po ako. Kahit po mahirap ako, hindi ako mukhang pera. Kailangan ko lang po ng trabah
Sigue leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la APP
Explora y lee buenas novelas sin costo
Miles de novelas gratis en BueNovela. ¡Descarga y lee en cualquier momento!
Lee libros gratis en la app
Escanea el código para leer en la APP