Malakas makiramdam si Zayn. Kahit na siya ang director ng Smith Group, alam niya na may mga pag uusapan pa sina Alex at Sebastian kaya hindi na rin siya nagtagal para hindi na niya maistorbo pa ang mga ito. Pagkalabas niya ng office ni Sebastian, dumiretso siya sa pwesto ng girlfriend niya. Noong oras na yun, wala si Tessa sa lamesa nito. Noong nakita siya ng mga katrabaho nitong babae, kinikilig siyang inasar ng mga ito.
“At ano nanamang ginagawa ng napaka gwapong Director Zayn dito?”
“Baka