Pagkalipas ng isang linggo, natapos ni Noah ang mga pagsasaka at pagtatanim, kaya bumaba na siya sa bayan para maghanap ng trabaho.
“Jane, magpahinga ka nalang dito sa bahay. Kapag nainip ka, pwede kayong maglakad-lakad ni Nanay. Alam kong sanay ka sa South City kaya baka manibago ka na wala ka masyadong makikitang tao dito.”
Hinawakan ni Jane ang kamay ni Noah, “Hindi ako natatakot na mag isa, Noah.”
“Sobrang tagal ko ring nakulong sa bahay kaya sanay na akong mag isa. Ngayon, gusto ko sa