Kabanata 1180
“Si…” Parang sobrang pamilyar ng boses ng lalaki. Hindi niya sigurado kung narinig niya na ito kung saan o ano, pero hindi niya maalala.

“Ka…kamusta ka?” Base sa tono ng pananalita ng lalaki, mukhang kilala siya nito, kaya kumunot ang noo niya at naguguluhang napatingin kay Sebastian.

Nang makita ni Sebastian ang reaksyon ng mukha ni Sabrina, nag alala din siya. “Bakit?”

Ang buong akala ni Sebastian ay tatay niya ang tumawag kay Sabrina. ‘Hindi kaya dumiretso na siya kay Sabrina kasi binabaan ko siya kanina?’

Pinasa ni Sabrina kay Sebastian ang kanyang phone. “Hello?”

Pero walang sumagot sa kabilang linya. Ni pag hinga ng taong tumawag ay hindi niya rin marinig, na para bang wala siyang kausap. Hindi nagtagal, biglang naputol ang tawag at kagaya ni Sabrina, takang-taka din si Sebastian.

Pagkalipas ng ilang segundong pag iisip, sinabi ni Sabrina, “Hindi kaya… si kuya yan?”

Isa lang naman ang lalaking tinatawag ni Sabrina ng kuya, at yun ay si Zayn.

“Hindi mo yan kuya!” Me
Sigue leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Explora y lee buenas novelas sin costo
Miles de novelas gratis en BueNovela. ¡Descarga y lee en cualquier momento!
Lee libros gratis en la app
Escanea el código para leer en la APP