Hindi niya alam kung anong sasabihin niya, kaya napabulong na lang siya sa sarili niya, “Hinalughog ko na ang buong bundok, pero wala talaga siya. Baka naman nagsisinungaling lang siya na nandito siya para lituhin ako?”
Naiinis na natawa si Sabrina, “Hindi magsisinungalung si Jane. Noong sinabi niyang nasa bundok siya, malamang nasa bundok talaga siya. Ang sabihin mo, nagmadali siyang umalis noong sinabi mo sakanya na pupuntahan mo siya.”
Huminga ng malalim si Alex. Sobrang bigat na ng dibdib