Kabanata 1162
Gulat na gulat si Noah. Siya? Isang probinsyano na galing sa isang maliit at mahirap na baryo? Siya na wala namang ibang kayang gawin kundi ang trabaho niya lang sa clothing factory na tinatanggihan pa nga ng ibang mga kalalakihan? Bakit? Hindi niya alam kung bakit siya ang napili ng boss niya na ipakasal sa anak nito.

Nanatiling kalmado si Noah, “Boss, bakit ako ang napili mong maging son-in-law mo?”

“Nabasa ko yung mga sinulat mo, maganda. Nakita ko rin yung work manual na ginawa mo at noong nag leave ang team leader niyo, ikaw ang tumayong leader sa mga kasama mo. Sinigurado mong maayos at disimulado ang lahat kaya sobrang nabilib ako sayo.”

HIndi alam ni Noah kung paano siya sasagot.

“Kung hindi ako nagkakamali, nakagraduate ka ng high school diba?”

Tumungo si Noah. “Opo, boss.”

“Sobrang hirap ng pamilya mo kaya hindi na nila kayang suportahan ang pag aaral mo, tama?”

Muling tumungo si Noah. “Halos lahat po ng mga nakatira sa kabundukan ng norte ay sobrang hirap kagaya ko.
Continue lendo este livro gratuitamente
Digitalize o código para baixar o App

Capítulos relacionados

Último capítulo

Explore e leia boas novelas gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de boas novelas no aplicativo BueNovela. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no aplicativo
Digitalize o código para ler no App