Hindi alam ni Andrea kung saan nakuha ng isang first year student na katulad ni Ivy ang ganung lakas ng loob.
"Anthony, tama ba ako?" tanong ni Ivy.
Naiilang na inayos ni Anthony ang kanyang salamin "Nakaraan na yun. Siguro dapat na mas maging maingat nalang tayo sa susunod.”
"Tama! Lalo na at hindi naman ikaw yung napalitan ng script kaya madali lang talaga para sayo na sabihin yan." Pang asar na sagot ni Ivy kay Anthony. "Anthony, parang ang saya mo ngayon. Inlove ka ba o ano?"
Nang marin