"Huwag mong ilalagay ang mga pictures ko na hindi pa nakikita ni Mommy!" pagtutol ni Layla. "Uncle Mike, gusto mo ata talagang mapahiya ako sa sarili kong kasal eh!”
"Hoy, sobrang cute mo kaya noong bata ka!”
"Sobrang hilig kang picture-an ni Mike habang umiiyak ka." natatawang sabat ni Avery.
"Huh?" Naguguluhan si Layla. "Anong klaseng hilig yan?"
“Ang cute kaya! Sobrang iyakin mo noong bata ka. Kapag si Hayden umiiyak, tahimik lang, pero kapag ikaw, naku po! Aalingawngaw ang buong bahay.”