“…Wala na ba talagang ibang taong na qualified na makapasok sa elite class? Isang talo lang ang nakayanang makalampas sa tatlong atake...?" tanong ng isang matandang master na nakaupo sa gilid, nakasuot siya ng mahabang purple robe at ang kanyang pangalan ay Master Jizo.
Si Master Jizo ay nakapasok na sa Third rank ng Avatar Realm at isa sa mga master na nagtuturo sa elite class sa academy.
“Talagang minalas tayo, pero hindi lang kinaya ng estudyanteng iyon ang tatlong lalaki, kundi natalo p