Napabuntong hininga na lang si Circe sa tanong na iyon habang nagpapakita ng kumplikadong emosyon ang kaniyang mukha.
“Mahabang kuwento…”
Matalinong babae si Debra kaya hindi na siya nagtanong pa ng tungkol dito nang makita niya ang mukha ni Circe.
“Paano nga ba tayo makakalabas dito?”
“Naghahanap din ako ng daan palabas,” Sagot ni Circe bago niya mapagtanto ang sitwasyon ni Debra. Dito na siya nagpatuloy sa kaniyang pagsasalita. “Nanghihina ka pa kaya mas maigi siguro kung magpapahinga ka n