“Sa kabilang banda, mayroon ka namang itsura. Maganda rin ang katawan mo. Haha! Nagkataon na naghahanap ng asawa ang boss naming si Ozo! Sumama ka sa amin kung gusto mo pang mabuhay at tatratuhin ka namin ng maayos. Dahil kung hindi, huwag mo kaming sisihin sa mga susunod naming gagawin sa iyo.”
Masyadong nakakagalit ang mga salitang binitawan ng mga bandido.
“Oo nga!”
“Mayroon ka ngang itsura. Bagay kayo ng aming boss na si Ozo…”
Dito na nagbigay ng komento ang iba pang mga bandido kay Lilo