Pagkatapos nito, tumingin naman si Darryl kay Lumi at sa iba pang magkakapatid. “Ikalawa kong asawa, ikatlo kong asawa at ang natitira ko pang mga asawa—galit pa rin ba kayo sa akin? Dali na, gusto ko ring marinig ang pagtawag ninyo sa akin ng honey.”
Nanginig naman ang katawan ni Lumi at ng kaniyang mga kapatid sa sobran galit. ‘Hayop ka talaga, Darryl! Hindi siya nakuntento sa pagtatake ng advantage na ginawa niya kay Alora dahil gusto rin nitong tawagin namin siya bilang honey.”
Namula ang kanilang mga pisngi pero hindi pa rin nila nagawang suwayin si Darryl. Kaya agad nilang tinawag na honey si Darryl nang paisa isa.
"Honey…"
"Ho…honey…"
Nagdalawang isip si Lumi at ang kaniyang mga kapatid na tawaging honey si Darryl. Pero ngayong nagawa na ito ng nakatatanda nilang kapatid na si Alora, mapupunta lang sa wala ang kahihiyang hinarap nito kung hindi sila susunod kay Darryl. Napamura na lang si Lumi at ang kaniyang mga kapatid kay Darryl habang tinatawag nila ito.
Natuwa naman s