Nang sumunod na segundo, tumingin si Lum isa direksyon kung nasaan si Darryl at nanginig ang kaniyang katawan sa nakita niya.
Hindi makita kahit saan si Darryl, at nasa hindi kalayuan ang nakakatandang kapatid niyang si Alora.
Hindi alam ni Lumi na naimpluwensyahan na siya ng illusion formation at nag ha-hallucinate na siya. Hindi si Alora ang taong nakatayo sa kaniyang harapan kundi si Darryl.
“Pinakamatandang kapatid!”
Kaagad na napuno ng saya si Lumi nang makita niya ang kaniyang pamilya. Naglakad siya palapit at hinawakan ang kamay ni Darryl, sobrang saya nitong nagsalita. “Sa wakas at nakita rin kita, Oldest Sister. Kahanga-hanga…”
Ang pinakamalakas na epekto ng illusion formation ay kaya nitong palabasin ang pinakamalalim na kagustuhan ng isang tao sa kanilang harapan.
Ang gustong-gustong mangyari ni Lumi magmula nang maglakbay siya sa underground town ay ang mahanap si Alora at ang iba pa nilang kapatid. Kaya naman naging si Alora ang pagkatao ni Darryl.
Uhh…
Medyo nahiy