Wala nang nagawa si Daisy nang makita niyang ganito si Keele. Dito na siya tumalikod para maglakad papunta kay Darryl.
“Darryl!”
Agad niyang ginamit ang nagpapasensyang tono ng kaniyang boses nang makalapit siya kay Darryl. “Mabuti talagang tao si Keele. Hindi ko lang alam kung bakit siya umasal nang ganito para paginitan ka niya nang walang tigil. Huwag mo sana itong masamain.”
Iminulat naman ni Darryl ang kaniyang mga mata habang sumasagot ito ng, “Huwag kang magalala dahil hindi ko ito gag