Ano?
Agad na kumabog nang malakas ang dibdib ni Yarl habang nawawala ang kaniyang tuwa at nagdidilim ang kaniyang itsura.
Hindi niya masyadong napagtuonan ng pansin si Morticia kagabi dahil masyado siyang naging abala kay Cranos. Sabagay, wala pang malay si Morticia noon kaya hindi ito naging banta sa kanila.
Hindi niya inasahang magkakaroon ito ng malay.
Nawala na kaya ang lason sa katawan ng Fiend Martyr? Alam nilang lahat na walang tigil na pinigilan ni Cranos ang pagkalat ng lason sa katawan ni Morticia sa buo nilang paglalakbay
Umangat nang umangat ang takot na nararamdaman ni Yarl sa bawat segundong lumilipas. Siguradong malaki ang kaniyang magiging problema sa sandaling mawala ang lason sa katawan ni Morticia. Masyado nang mabigat ang haharapin niya matapos niyang patayin ang dati nilang pinuno na si Cranos.
“Ikaw—"
Pagkatapos ng ilang segundo, inutusan ni Yarl si Jarian. “Magbantay ka sa labas. Titingnan ko ang lagay nito ngayon. Huwag na huwag mong sasabihin sa kahit na