"Huling beses nalang kitang tatanungin, nasaan ang susi?!" Biglang naglabas si Evelyn ng kutsilyo at tinapat ito sa leeg ni Darryl. "Ibigay mo sa akin ang susi!"
Oh sh*t!
Ramdam na ramdam ni Darryl ang kutsilyo na dumadampi sa balat niya, pero sa kundisyon niya ngayon, hindi niya kayang labanan si Evelyn.
Pero hindi siya nagpahalatang mahina, bagkus ay hinamon niya pa si Evelyn, "Sige. Patayin mo na ako. Kapag namatay ako, ang Emei Sect ang lalaban sa lolo mo at kapag nangyari yun, wala na