Napakamot nalang ng ulo si Darryl. "Uh... may asawa na po ako, Sir..."
Nabakas sa mga mata ni Zoran na hindi ito natuwa sa sagot ni Darryl. "Ah... Ganun ba. Siguro nakalmutan ng tatay mo ang pinagkasunduan namin noon. Dalawampung taon na rin naman kasi kaming hindi nagkita at pahirapan pa kaming makausap ang isa't-isa dahil hindi naman ganun pa ka high tech noon kaya wala na rin talaga akong balita sakanya. Siya nga pala, nasaan na ang tatay mo?"
Muling napakamot ng ulo si Darryl at nakangit