Nang sandaling iyon ay lumingon ang lahat kay Master Magaera.
Inobserbahang mabuti ni Master Magaera ang sulat at sinabing, “Mayroong mali sa papel na ito, Iyong Kamahalan. Gusto kong tanungin si Heneral Grunt kung saan niya nakuha ang sulat na ito?
May lalim ang kaniyang mga mata nang magsalita at tingnan niya si Heneral Grunt.
‘Mayroong mali sa papel?’ Nagulat ang lahat ng nasa Imperial Sky Palace at nagsimulang magbulungan ang mga opisyal.
“Anong mali sa papel?”
“Hindi kaya’y nakakalason