“Dadalhin ang mga demonyo sa gitna ng labanan sa sandaling mapasuko natin ang mga ito. Gagamitin natin sila para pagurin ang Innate Formation. Agad naman tayong aatake sa sandaling paubos na enerhiya ng mga formation na ito. Sigurado naman ako na makakarating tayo sa Imperial Sky Palace sa pamamagitan nito.”
Dito na natahimik si Archfiend Antigonus bago tumatangong sumagot ng, “Mukhang maganda ang planong naiisip mo. Kung ganoon ay ikaw na ang bahala rito!”
“Opo, kagalang galang na Archfiend!”