“Kagalang galang na Archfiend!”
Dito na naglakad papasok sa tent ang isa sa mga sundalo ng fiend bago maingat na magtanong ng, “Nawalan ng malay ang Darryl Darby na iyon. Ano na po ang gagawin natin sa kaniya?”
Dito na nanlalamig na kumislap ang mga mata ni Archfiend Antigonus habang sumasagot ng, “Ano pa ang gusto mong gawin natin sa isang iyan? Patayin mo siya. Wasakin mo ang diwata niyang kaluluwa at katawan.” Wala nang pakinabang si Darryl Darby sa mga ito kaya wala na silang rason para pa