Pero nanatiling tahimik at walang sumasagot sa loob ng lihim na kuwarto. Dito na narealize ni Cayden na naiwang nakabukas ang pinto papasok dito kaya siyang nakaramdam ng hindi maganda sa kaniyang mga nakikita. Maingat si Rogart sa lahat ng bagay kaya sinisiguro muna nitong nakasara ang pinto sa bawat sandaling magsasanay siya sa loob ng kaniyang lihim na kuwarto. Kaya masyado nang nagsuspetsa si Cayden nang makita niyang bukas ito.
Nakaramdam na rin nang hindi maganda si General Grunt kaya aga