Pagkatapos ng ilang segundo ay nakalapag na rin ito sa ibaba, agad siyang nagulat sa kaniyang nakita. Kasalukuyang nakahiga na parang isang bundok ang higanteng dragon habang nagmemeditate naman sa harapan nito si Darryl.
“Ano ang nangyayari?” Hindi magawang iprocess ni Veron kaniyang mga nakita sa mga sandaling ito. “Bakit siya hindi inatake ng makaliskis na dragon? Sandali nga lang. Binabantayan ba nito si Darryl? Hindi, hindi ito maaari!
Agad na minulat ni Darryl ang kaniyang mga mata nang