”Atras!” Sigaw ni Amastan sa Fierce Tiger Clan. Lumapit ito.
Nang Makalapit siya kay Donoghue ay tiningnan niya ang lalaki mula ulo hanggang paa. “Nagkita tayong muli, Master. Ikaw ba ang rason ng komosyon sa kampo ng Nine Continents kanina? Hinahabol ka ba nila?”
Hindi kalaban ang tingin ni Amastan kay Donoghue dahil nagtulungan sila para patayin si Rama. Isa pa, magiging kapakipakinabang para kay Amastan ang isang taong makapangyarihan. Hindi na niya kailangan mamroblema sa malaking hukbo ng