Nang marinig niya iyon ay nag-iba ang mukha ni Yang Jian, galit itong tumitig kay Donoghue. “Gusto mo ng kapalit?”
‘Ako si Grandmaster Erlang, ang Emperor ng North Moana. Ginagalang ako ng lahat. Pero gustong samantalahain ng Donoghue na ito ang mga taong may problema at nanghihingi pa ito ng kapalit? Pinangako ko nang gagawin ko siyang heneral ko pero hindi pa rin iyon sapat para sa kaniya.’ Naisip nito.
Puno ng galit ang mukha ni Donoghue habang nagsasalita. “Totoong sinusoportahan ko ang Ni