Nainis nang husto si Tristan habang sinasabi na, “Bakit mo siya dindepensahan Yvonne? Sinabi niyang peke ang Godly pill na iyon. Huwag mo na siyang pagtakpan.”
Napasimangot dito si Julian. Siya ang incharge sa pagpapanatili ng kaayusan sa auction. Kung ibang tao lang ito, agad na nila itong sinamahan palabas ng hall. Pero ito ay walang iba kundi si Yvonne na nagmula sa pamilya Young. Kaya mas pinili niyang maniwala rito. Nakangiti siyang tumango at sinabing, “Sige, kung nagbibiruan lang kayo, m