Niregaluhan ni Brian ang nakatatandang Darby ng isang cultivation technique na tinatawag bilang Body Transformation Scripture limang taon na ang nakalilipas.
Malapit sa isa’t isa ang mga sekta ng Shaolin at Wudang. Nagkaisa ang dalawang mga sekta para mabuo ang Body Transformation Scripture na ginamit ng mga disipulo na nagmula sa dalawang sekta para magpalakas. Siyempre, available lamang ito sa mga elite nilang mga disipulo na kung saan walang karapatan ang mga pangkaraniwan nilang disipulo pa