Ang referee sa gilid ay sinabing, “Si Luca Moonlight ang nanalo para sa round na ‘to! Naipasa ni Luca Moonlight ang lahat ng apat na kategorya at magpapatuloy sa susunod na stage!”
Pagkatapos ay tiningnan niya si Geoff na namumutla ang mukha. “Nakapasa si Geoff Jefferson sa tatlong kategorya pero natalo siya sa chess kaya naman tanggal na siya!”
‘Natalo ako nang ganon lang?’
Umupo roon si Geoff habang nawawala ang kanyang kaluluwa. Hindi siya nakapagsalita.
Mabagal na tumayo si Darryl, ngumi