Pero nagawa pa rin siyang ipahiya ng hayop na binatang ito na nasa kaniyang harapan.
“Bakit? Mali ba ako? Pakawalan mo na ang batang iyan kung mayroon ka pang natitirang konsensya sa pagkatao mo.” Pinanatili ni Darryl ang diretso niayng mukha habang ipinagpapatuloy ang kaniyang paglapit sa mga magnanakaw.
“Hayop ka! Tumigil ka riyan sa kinatatayuan mo, Tumigil ka!” Sigaw ni Lance, dito na mabilis na nagliyab ang pagkamuhi sa kaniyang mga mata.
“Ano ang ginagawa ni Darryl?”
Nababagabag na ini