“Sige na! Sige na!” sabi ni Darryl habang nakatiklop ang kanyang kamao at masamang nakatingin kay Megan. Huminga siya nang malalim, “Papayag akong iligtas si Aurora. Kapag natanggal ko na ang metal chain sa katawan niya, ibabalik mo ang Dragon Essence sakin.”
Noong sinabi niya ‘yon, ang galit sa puso ni Darry ay patuloy na sumisiklab.
Gusto niyang atakihin si Megan para kunin ang Dragon Essence sa kamay niya pero ayaw niyang mapahamak.
Marupok ang Dragon Essence. Kapag mabagal siyang gumalaw