“Haha… kung ganoon po, pasok po kayo, Kamahalan. Malapit na pong magsimula ang aking banquet.”
Ngiti ni Florian habang tumatayo mula sa lupa.
Mmm?
Nang biglang mabigla si Florian sa kaniyang nakita! Tumama ang kaniyang tingin sa isang lugar na nasa likuran ni Yvette! Kung saan kasalukuyang nakatayo si Monica!
“Buwisit! Bakit nandito ang babaeng ito?”
Tiningnan ni Florian si Monica mula ulo hanggang paa dahil dalawang taon na rin ang nakalilipas mula noong huli niya itong makita. Inisip niya