Crack!
Hindi tumigil sa paglatigo ang Emperor.
Sa loob lamang ng maikling panahon, ilang dosenang beses ng nalatigo si Tiara. Nararamdaman niya ang gumuguhit na sakit sa tuwing nilalatigo siya ng Emperor. Nanginig ang katawan niya dahil sa tindi ng sakit, pero diniinan lang niya ang kagat niya at hindi nagsalita.
Alam niya na hinding hindi dapat siya magsalita.
Kung bibigay siya, ibig sabihin nito pagtataksilan niya si James. Bukod pa dito, kasama na ang pagsabi sa mga plano ni James kung saan l