Lahat ng camera ay nakaturo kay James.
Siya ay madumi at madungis.
“Inaamin ko,” Mahinang sinabi ni James. Kahit na ang mga witness ay sinobrahan ang kwento, hindi maitatanggi na pinatay niya sila.
“Mabuti.” Tumayo ang Emperor at sumigaw, “Tutal umaamin ka, ano sa tingin mo ang iyong magiging kaparusahan ayon sa batas para sa mga krimen?”
“Kamatayan.”
Tumingin si James sa mata ng Emperor. Ang kanyang mata ay walang takot.
Kahit na siya ay nanghihina, ang kanyang titig ay laging nakakatakot