“Sa tingin ko hindi.”
Tinanggihan siya agad ni James.
Hindi niya naisip na magandang ideya ang makasama ng matagal si Quincy.
Kaakit-akit siya at sexy. Ang makasama siya ng matagal ay magbibigay lamang ng problema sa hinaharap.
“Bakit? Natatakot ka ba na baka mahulog ka sa akin?” Ngumiti si Quincy.
“Parang ganoon na nga.” Sumangayon si James. “Bukod pa doon, kasal na ako. Para ko na din kayo binastos pareho ni Thea kung may mamamagitan sa atin. Hindi na ako responsableng lalake sa puntong iyon.”