Makakatipid siya nang maraming oras kung iyon ang tamang lugar.
“Basahin mo mismo ang mga yan, tapos tanungin mo ko kung may mga katanungan ka.”
Pagkatapos sinabihan ni Nova si James, huminto siya sa pagsasalita.
Inayos na ni Nova ang alchemy books at pinaghiwa-hiwalay ito para kay James.
Dinampot ni James ang unang libro at nagsimulang magbasa.
Nakatala sa unang libro ang ilang pangkaraniwang herb materials mula sa Earth na hindi naglalaman ng Empyrean Energy o kapangyarihan.
Gayunpaman, hindi pa nakita ni James ang marami sa herbs na nakasulat sa libro.
Seryosong binasa ni James ang libro.
Dahil nakarating na sa Sage Rank si James, matalas ang utak niya at malapit na siyang magkaroon ng photographic memory. Madali niyang naaalala ang mga bagay pagkatapos lang itong basahin ng isang. Wawa. Para bang may camera siya sa utak niya na kayang kumuha ng larawan at itabi ito.
Nagpatuloy si James na basahin ang mga libro at pinalawak niya ng kaalaman niya gamit ng mga libro.