Ngumiti si James ng may pagbabanta. “Kung hindi kita lalabanan, sino ang gusto mong labanan ko? Anuman ang mangyari, kailangan may atakihin ako. Inaasahan mo ba na tatayo na lang tayo dito at tutunganga?"
Naging napakadilim ng ekspresyon ni Yorick.
Sa unang naging laban nila ni James, sinadya niyang itago ang kanyang alas.
Gayunpaman, alam ni Yorick na wala siyang laban sa kasalukuyang James na mas pinalakas.
Namroblema si Yorick. ‘Anong dapat kong gawin?’
Habang nag-iisip siya, sumugod na