Nag-isip ng matagal si Maveth at sinabing, “Hindi tayo dapat maglaban ng paisa-isa. Anuman ang pagkakasunud-sunod natin, hindi ito magiging patas para sa lahat. Sa tingin ko dapat buwagin na natin ang alyansa natin at magkaroon tayo ng isang battle royale. Makaabot man o hindi ang isa sa'tin sa dulo, nakasalalay na ito sa kanya-kanya nating lakas.”
“Isang battle royale?” Kumunot ang noo ni James.
Kampante si James sa kanyang lakas at alam niya na siguradong makakarating siya sa dulo. Hindi ri