Matapos ito marinig, naguluhan ang lahat.
Nagpatuloy ang guardian, “Ngayon, ang mga War Order ay sumanib na sa katawan ninyo. Naging crystal sila sa loob ng katawan ninyo. Sa tuwing magtatamo kayo ng pinsala, ang crystal ang magtatamo ng pinsala. Sa oras na maglaho ang crystal, matatanggal kayo.”
Noong narinig nila ito, sinuri ng mga kalahok ang katawan nila.
Ganoon din ang ginawa ni James. Napagtanto niyang may mala crystal na bagay sa elixir field niya sa tiyan.
“Huwag ninyong maliitin ang crystal. Providence din ito. Matapos madurog, ang lakas nito ay mahihigop ng katawan ninyo, at ang Sage Energy ninyo at pisikal na katawan ay lalakas. Kaya, kahit na anong mangyari, makakakuha kayong lahat ng providence matapos dumating sa arena na ito.”
Dumadungdong ang boses ng guardian.
“Siyempre, ang pagkasira ng crystal ay may kinalaman sa lakas ninyo. Habang mas malakas kayo, mas mabagal ang pinsala na matatamo ng crystal ninyo sa tuwing aatakihin kayo. Basta ba hindi masira ang crystal, hind