Ngayon, tatlumput isa na War Order na ang nagpakita, at dalawa na lang ang natitira. Sa oras na magpakita ang huling dalawa at bumukas na ang Thirty-Three Stages Celestial Palace, oras na para makipagkumpitensiya para sa ultimate providence.
Walang ideya si James kung anong itsura ng Thirty-Three Stages Celestial Palace. Ngayon, ang magagawa na lamang niya ay ang maghintay. Naniniwala siya na malapit na magpapakita ang huling dalawa at makakapasok na siya sa Thirty-Three Stages Celestial Palace.
Hindi nagtagal, naghilom ang mga pinsala niya sa katawan.
Hindi sila nagtagal sa loob ng Celestial Abode. Sa halip, ikinubli nila ang mga sarili nila sa masukal na gubat at nanatili doon ng pansamantala.
Sa rurok ng bundok, nakaupo si James ng lotus position. Nakatitig siya sa malayo habang malalim ang iniisip.
Lumapit si Brielle sa tabi niya at naupo. Sapagkat tahimik si James, nagtanong siya, “Anong iniisip mo?”
Inayos ni James ang sarili niya at sumagot, “Matagal akong nasa closed-door medit